Thursday, January 19, 2006

JOKE TIME... courtesy of Chinita of MCP

SI INAY

Dalawa lang silang mag-ina sa Amerika at hinihintay nila ang pag dating ng pamilya nila. Pero unfortunately while they were waiting, the mother died. The family in the Philippines wants their mom to be buried back home pero it was so expensive. Pero dahil majority of the family wants it that way, walang choice ang anak dito sa States kung hindi sundin ang mga nakakatanda sa kanya. Dahil nga very expensive, she decided to just remain in the States and ship the coffin unaccompanied.. Ng dumating na sa Pilipinas ang kanilang ina, may napansin ang pamilya na hindi maganda. Ang mukha at katawan ng inay nila ay dikit na dikit na sa salamin ng kabaong. Sabi tuloy ng isa, "Ay tingnan mo yan, hindi sila marunong mag asikaso ng patay sa Amerika". To cut the story short they prepared the coffin for viewing. Pag bukas ng takip (salamin) ng coffin, may napansin silang sulat sa baba ng dibdib ng kanilang inay.

Dahan-dahan kinuha at nangi-nginig na binukasan ni Kuya (panganay na anak) ang sulat at binasa sa lahat ng buong pamilya.

Ang nilalaman ng sulat ay ito:

"Mahal Kong mga Kapatid, Hayan na si Inay!!! Pasyensya na kayo at hindi ko nasamahan ang inay sa pag-uwi diyan sa Pilipinas sa dahilan na napaka-mahal ng pamasahe. Ang gastos ko na nga lang sa kanya ay kulang-kulang sa sampung libo (kabaong at shipment). Ayoko ng isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, pinadala ko kasama ni inay ang: - dalawampu't apat na karne norte na nasa likod ni Inay. Maghati-hati na kayo. - anim na bagong labas na Reebok sneakers...isa suot-suot ni Ninay...and lima nasa ulunan ni Inay...isa-isa na kayo riyan. - iba't ibang klaseng tsokolate, nasa puwit ni Inay...maghati-hati na kayong lahat... - anim na Ralph Lauren na t-shirts suot-suot ni Inay...para sa iyo, Kuya, at isa-isa ang mga pamangkin ko. - isang dosenang Wonderbra na gustong-gusto ninyo, mga kapatid ko, suot suot din ni Inay. Maghati-hati na kayo riyan. - dalawang dosenang Victoria Secret na panties na inaasam-asam ninyo, suot-suot din ni Inay. Maghati-hati na rin kayo, Ate...... - walong Dockers na pantalon suot-suot din ni Nanay...Kuya, Diko, isa-isa na kayo, at mga pamangkin ko. - ang Rolex na hinahabilin mo, Kuya, eh suot-suot din ni Inay. Kunin mo na. - ang hikaw, singsing at kuwintas na gustong-gusto mo, Ate, eh suot-suot din ni Inay. Kunin mo na. - mga Chanel na medyas, suot suot din ni Inay. Tig-i tig-isa na kayo at mga pamangkin ko. Bahala na kayo kay Inay. Pamimisahan ko na lang siya dito. Balitaan niyo na lang ako pagkatapos ng libing.


Nagmamahal na kapatid,
Nene

No comments: