Tuesday, January 24, 2006

MORE JOKES....


Patawarin na natin sila!

Isang gabi, naglalakad ang isang lalaki sa may tulay nang may makita siyang babaeng nasa taas ng gilid nito at magtatangkang magpatiwakal."Huwag", sigaw ng lalaki. At sa kabutihang palad ay nakumbinsi ang babae at siya'y bumaba.

Lalaki: Ano bang problema mo't naisipan mong gawin yan?
Babae: Kase, iniwan ako ng boypren ko't sumama sa ibang babae.
Lalaki: Miss, ganyan din ang problema ko pero di ko naisip na magpakamatay.
Babae: So, anong gagawin natin?
Nag-isip sandali ang lalaki at sinabi...
Lalaki: Kung gusto mo, maghiganti tayo sa kanila.
Babae: Paanong paghihiganti?
Lalaki: Alam mo na ang ibig kong sabihin... (sabay kindat sa babae na nakuha naman ni babae ang ipinahiwatig na yon). Maya maya'y nasa isang kuwarto na sila ng motel at nangyari na ang di dapat mangyari. Nang makaraos si lalaki, nag sindi siya ng yosi... nang halos filter na lang ay biglang nagsabi...
Babae: "Maghiganti uli tayo"
Medyo pagod, pero pinagbigyan uli niya ang request ni babae. Nang makaraos uli, nag sindi uli si lalaki ng yosi. Nasa kalahati pa lang ang yosi nang...
Babae: Maghiganti uli tayo!
Medyo nangangatog na ang mga tuhod pero dahil sa hiling, muling pinagbigyan niya si babae. Muling nakaraos ang dalawa. Nagsindi uli si lalaki ng yosi. Unang hithit palang niya ay...
Babae: Ganti ulit tayo...
Talagang lupaypay na si manoy niya pero para huwag mapahiya ay muling pinagbigyan niya ang kahilingan ni babae. Pagkatapos kumuha siya ng yosi. Sisindihan pa lang nang biglang...
Babae: Ganti ulit tayo...
Lalaki: "PUCHA NAMAN! PATAWARIN NA NATIN SILA!!!!

No comments: